SUPER EASY NO-FAIL COCKTAIL

 Hi guys! Meron nanaman tayong panibagong alak na matitikman.. Alam niyo naman ang lola niyo, basta mga bagong inumin na ganyan ay hindi natin yan pinapalampas. Pero siyempre, tulad ng payo ng marami, "ALWAYS DRINK MODERATELY".. Let's begin!

BARMAN VARIETY PACK
315.00/PACK



At dumating na nga ang ating inorder from SHOTS BY TANDUAY. We ordered 1 Pack of what they called "The No-Fail Cocktail BARMAN". Ibig sabihin, pag nagtimpla ka o gumawa ka ng cocktail drinks mo ay siguradong tamang tama ang timpla, sukat at lasa na gusto mong ma-achieve.

Ang isang set ng BARMAN ay mayroong tatlong variants o flavors of cocktail concentrates o purong timpla ng liquor na kakailanganin munang i-dillute ng tubig bago ito iserve or inumin. Ang isang bote ay mayroong 250ml of concentrated flavored liquor. They have the Amaretto Sour, Black Russian and Dark & Stormy.

Mayroon itong mixing guide sa likod ng box na mayroong tatlong options.


Option 1: 20 Proof (Recommended) - 250ml + 1 Liter of Water

- This is good for parties. Eto yung para sa mahabang gabi na ayaw mo naman malasing agad pero may iniinom ka. This is also good para sa mga hindi masyadong umiinom kasi mas light and swabe siya. 

Option 2: 25 Proof Semi Sweet - 250ml + 750ml of Water

- Eto naman ay para sa mga may sweet tooth at mahilig sa matamis dahil mas konti ang water nito, siyempre mas matamis to compared sa Option 1, at mas matapang din ng slight.

Option 3: 33 Proof Sweet - 250ml + 500ml of Water

- Kung gusto niyo naman na mas mabilis umamats, dito kayo sa mixture na ito. Mas mataas na ang concentration nito, halos parang uminom ka na ng GIN dito. Kung familliar kayo sa brand na PATRON, they have this COFFEE Flavored Liquor na maari natin icompare dito. You may opt to drink this through a shot glass for a more flavorful taste. Eto yung masasabi kong timpla na pang malakasan.


THE FLAVORS

AMARETTO SOUR - Blend of Rum and flavors of Amaretto and Citrus Fruits. Sweet with a hint of citrus flavor ang lasa niya. I used to buy a different brand of Amaretto in S&R, very sweet talaga siya at masarap inumin pero mabilis siya tumama. 2 glasses lang, tinatawag nako ng kama ko. First time ko yun natikman sa friend ko na owner ng MARZ & CREW and I really liked its taste and I hope this BARMAN's version of Ameretto Sour is a good alternative.



BLACK RUSSIAN - Blend of Vodka and Coffee Liquor. For this one, unlike the two other flavors, ang base nito ay vodka. I can say that this flavor is just like the taste of PATRON Coffee Flavored Liquor. Bagay dito ang Option 3 from our mixing guide that we discussed above. For coffee lovers, I supposed this flavor will best suits your taste.



DARK & STORMY - Blend of Rum, Flavor of Ginger and Citrus Fruits. I have'nt tried this flavor so kailangan ko muna siya tikman bago ko maishare sa inyo.



And that's it for this blog, I hope you all enjoyed what I shared and also the link of the shop where you can purchase this product is included in this blog, you can just click on the link if you want to avail one. Sana parepareho natin magustuhan ang bagong product ng Tanduay na BARMAN "The No-Fail Cocktail".


Are you feeling bartender today and wanted to share more cocktail to mix with these 3 flavors of BARMAN? Feel free to share your cocktail recipes on our comment section below..

Comments

Popular posts from this blog

MABUTI AT HINDI MAGANDANG DULOT NG PAGPAPAUTANG SA KAIBIGAN AT KAMAG-ANAK

SUPER EASY STEAMED LAPU LAPU BY BOSS D